|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pagpapatibay ng Senado ng Estados Unidos (E.U.) sa resolusyon hinggil sa South China Sea (SCS) at East China Sea (ECS), ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na pagtutol ng Tsina sa isyung ito. Aniya, iniharap na ng kanyang bansa ang solemnang representasyon sa E.U.
Noong ika-29 ng nagdaang Hulyo, pinagtibay ng Senado ng E.U. ang isang resolusyon. Anito, mahigpit na kinakatigan ng E.U. ang mapayapang paglutas sa hidwaan hinggil sa teritoryo, soberanya at hustisya sa rehiyong-pandagat na Asya-Pasipiko. Ito ay nagpataw ng presyur sa Tsina hinggil sa isyu ng SCS at ECS.
Tungkol dito, ipinahayag ni Hua, na ipinagwalang-bahala ng naturang resolusyon ang kasaysayan at katotohanan, at inilabas ang maling signal. Aniya, nananawagan ang Tsina sa E.U. na igalang ang katunayan at iwasto ang kamalian, para hindi maging mas masalimuot ang mga may kinalamang isyu at situwasyon.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |