|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa telepono sina Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Narating nila ang komong palagay tungkol sa komprehensibong pagpapasulong ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, binigyang-diin ng dalawang lider na patuloy na palalakasin ang kanilang pagtutulungan, at komprehensibong isusulong ang estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito ay para makapaghatid ng kaginhawahan sa kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng positibong ambag para sa kapayapaan, katatagan, kooperasyon, at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.
Bukod dito, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |