|
||||||||
|
||
Kinatagpo kahapon sa Putrajaya ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Najib na natamo ng relasyon ng Malaysia at Tsina ang komprehensibong pag-unlad. Dagdag pa niya, napakalaki ng potensyal at malawak ang prospek nito. Nakahanda aniya ang pamahalaan ng Malaysia na magsikap kasama ng bagong pamahalaang Tsino, para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Wang na pagkaraan ng pagsisikap ng mga lider sa ilang henerasyon, komprehensibo at matatag na sumusulong ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay nakakapagbigay ng mahalagang kapakanan sa dalawang panig, at nakakapagigay rin ito ng positibong ambag para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |