Nagprotesta ngayong araw sa Bangkok ang mga grupong kontra pamahalaan ng Thailand para sa amnesty program na susuriin ng parliamento. Ayon sa ulat, kung pagtitibayin ang naturang programa, posibleng mawalan ng bisa ang mga akusasyon kay Thaksin Sinawatra, dating Punong Ministro ng bansang ito at maari siyang lumaya.
Ang naturang protesta ay nilahukan ng halos 4000 hanggang 5000 tao na mula sa mga oposisyon ng Thailand. Ipinahayag ng tagapag-organisa na mapayapa ang protesta nila.
Bilang tugon sa naturang demonstrasyon, isinagawa ng pamahalaang Thai ang Internal Security Act sa ilang lugar ng Bangkok mula unang araw hanggang ika-10 ng buwang ito. Ayon sa naturang tadhana, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng protesta sa mga itinakdang lugar.
Bukod dito, itinalaga ng panig pulisya ang mas maraming pulis sa mga departamento ng pamahalaan para mapigilan ang mga marahas na insidente.