Dumalaw kamakalawa sa Ehipto si William Burns, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika para direktang malaman ang palagay ng interim na pamahalaan ng Ehipto at iba't ibang paksyon ng bansang ito. Ito aniya ay para makatulong sa pagpawi sa hidwaan sa pagitan ng iba't ibang paksyon at pagsasakatuparan ng komprehensibong kapayapaan sa bansang ito.
Sa kanyang pananatili doon, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Burns sa mga interim na opisyal ng Ehipto at tagasunod ni Mohammed Morsi, Dating Pangulo ng bansang ito.
Pagkatapos ng pag-uusap nina Burns at Nabil Fahmy, sinabi ni Fahmy na winewelkam niya ang pagdalaw ng mga dayuhang delegasyon para malaman ang palagay ng iba't ibang paksyon ng Ehipto. Pero binigyang-diin niya na ang kinabukasan ng kanyang bansa ay dapat alinsunod sa hangarin ng buong sambayanan at ang desisyon ng pamahalaan ay dapat ibabatay sa kataas-taasang pambansang kapakanan, pambansang katiwasayan at mga hakbang kontra sa terorismo at karahasan.