Nagpalabas ngayong araw ang Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea ng pahayag na nagsasabing malapit nang maubos ang pasensiya ng kanyang bansa sa isyu ng Kaesong Industrial Park (KIP).
Ayon sa nasabing pahayag, hiniling ng Timog Korea sa Hilagang Korea na ipakita ang katapatan sa paglutas ng isyung ito at bigyan ng kompensasyon ang mga bahay-kalakal ng Timog Korea.
Ayon sa imbestigasyon ng Timog Korea, nalugi ang mga bahay-kalakal ng mahigit 400 milyong dolyares na ari-arian at halos 300 milyong dolyares na kita sa negosyo na dulot ng itinigil na operasyon ng KIP.
Inulit din ng Timog Korea ang paninindigan nito sa isyu ng KIP. Sabi ng nabanggit na pahayag, kung hindi maigagarantiya ng Hilagang Korea ang normal na takbo ng KIP at pigilan ang epekto ng elementong pulitikal at militar, aalisin nito ang mga bahay-kalakal ng Timog Korea.