|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, sa kabila ng malakas na paglaki ng pambansang kabuhayan ng Pilipinas sa unang kuwarter ng taong ito, na umabot sa 7.8% , 28% lamang ng mga Pinoy respondent ang positibo rito.
Batay sa nasabing survey mula ika-20 ng Hunyo hanggang ika-4 ng Hulyo, 29% ng mga respondent ang nagpalagay na mas masama ang pambansang kabuhayan ngayong 2013, kumpara noong 2012 samantalang 43% naman ng mga respondent ang may pakiramdam na pareho lamang ang kabuhayan noong nakaraang taon at kasalukuyang taon.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang magandang takbo ng kabuhayan sa taong ito ay hindi nagkakaloob ng benepisyo sa mga karaniwang Pinoy. Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Pamahalaang Pilipino, umabot sa 7.5% at 22.3% ang unemployment rate at poverty rate ng bansa ayon sa pagkakasunod.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |