|
||||||||
|
||
Ipinahayag din ni Wang na mainit na tinatanggap ng Tsina ang pagbabalangkas ng COC, at ipinaliwanag niya ang paninindigang Tsino sa isyung ito.
Ani Wang kabilang sa paninindigang Tsino ay: una, ang pagtatakda ng COC ay nangangahulugan ng masusi at mataimtim na gawaing paghahanda; ikalawa, ang pagtatakda ng COC ay dapat sumaklaw sa pinakamalawak na nagkakaisang posisyon ng Tsina at ASEAN, sa halip na pagtanggap ng sariling ideya ng iilang bansa; ikatlo, dapat buong sikap na lumikha ang Tsina at ASEAN ng mainam na kapaligiran at kondisyon para mapasulong ang pagtatakda ng COC; ikaapat, dapat hakbang-hakbang na pasulungin ang pagtatakda ng COC.
Ang kasalukuyang pangunahing gawain ay patuloy na pagsasakatuparan ng DOC, lalo na ang aktibong pagpapasulong ng kooperasyong pandagat ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |