Ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Industriya at Pagsasaimpormasyon ng Tsina ang ulat hinggil sa takbo ng kabuhayang industriyal noong unang hati ng taong 2013. Tinukoy ng ulat na sa kasalukuyan, nahaharap ang kabuhayang industriyal ng Tsina sa takdang presyur ng pagbaba, pero, sa kabuuan, nagkaroon pa rin ito ng pundamental na pasubali ng pagpapanatili ng katatagan. Anang ulat, sa huling hati ng taong ito, mapapanatili sa makatwirang lebel ang paglaki ng nasabing industriya.
Noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki nang 9.3% ang added value ng mga "industrial enterprises above designated size" ng Tsina. Ang ganitong bilis ng paglaki ay bumaba ng 1.2% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Kahit sa epekto ng mga di-paborableng elemento na gaya ng di-masiglang pangangailangang panlabas, bumagal ang paglaki ng produksyong industriyal, pero mas mataas ang lebel ng ganitong paglaki, kumpara sa mga maunlad na bansa o mga bagong-sibol na ekonomiya.
Salin: Vera