Kahapon, sa kanyang pakikipag-usap kay Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, sinabi ni Pangalawang Punong Ministrong Sok An ng Kambodya, na umabot sa 334 libo ang bilang ng mga turistang Tsino sa kanyang bansa, noong 2012, na mas malaki ng 35% kumpara noong taong 2011. Umaasa aniya siyang maglalakbay sa Kambodya ang mas maraming Tsino, at ito ay makakatulong sa kabuhayan ng kanyang bansa.
Ayon sa National Tourism Landscape ng Kambodya, inaasahan nitong simula 2018 aabot sa 1.3 milyon, ang bilang ng mga turistang Tsino, kada taon.