|
||||||||
|
||
SEKTOR NG PAGSASAKA, LUMAGO NG 1.4%. Ito ang ibinalita ni Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka sa isang briefing para sa mga mamamahayag kanina. Lumago ang sektor ng pagsasaka dahilan sa naiambag ng Fishery sub-sector. (Larawan ni Melo Acuna)
MASAYANG ibinalita ni Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka na lumago ang sektor ng 1.4% sa unang anim na buwan ng 2013.
Ayon sa kalihim, dinala ng Fisheries Sub-Sector ang pangkalahatang larawan sa pagkakaroon ng 4.44% dahilan sa matatag na produksyon at conservation initiatives sa nakalipas na tatlong taon na kinabilangan ng tatlong buwang pagbabawal ng pangingisda sa mga karagatan ng Zamboanga at Kabisayaan.
Sa isang press briefing, sinabi ng kalihim nan aka-ambag ang fishery subsector ng 18.1% sa pangkalahatang produksyon ng pagsasaka sa unang anim na buwan ng taon. Nagkaroon ito ng -3.17% growth noong unang anim na buwan ng 2012.
Nagkaroon din ng positibong kita ang poultry (4.39%) at livestock (2.12%) sectors na naka-ambag ng 30% sa pangkalahatang produksyon ng pagsasaka. Kung sa halaga ng naiambag, ang poultry ay nagkakahalaga ng P 86.4 bilyon at ang livestock ay P 111.8 bilyon.
Sa produksyon ng palay, nadagdagan ito ng 1.34% at nakarating sa walong milyong tonelada na nagkakahalaga ng P 129 bilyon kung ihahambing sa 7.89 milyong metriko tonelada sa unang anim na buwan ng taon.
Ang gross value ng iba't ibang produkto ng mga sakahan sa unang anim na buwan ng 2013 ay umabot sa P697.2 bilyon sa presyo ngayon.
Naniniwala pa rin sa Kalihim Alcala na matatamo ang 100% self sufficiency sa bigas sa pagtatapos ng 2013 sa pagbibigay ng sapat na irigasyon, may uring binhi at technical postharvest at marketing assistance.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |