Sa kanyang nakasulat na mensaheng pambati tungkol sa ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, sinabi kahapon ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, na sa susunod na taon, manunungkulan ang kanyang bansa bilang bansang tagapangulo ng ASEAN. Sa panahong iyon, magsisikap aniya siya para mapasulong at mapalakas ang mahigpit na relasyon ng ASEAN at mga partner nito.
Sinabi ng pangulo ng Myanmar na kinakaharap sa kasalukuyan ng daigdig ang mga hamong dulot ng globalisasyon. Bilang isang rehiyonal na organisasyon, dapat magsikap hangga't makakaya, ang ASEAN para mapanatili ang kapayapaan at pagkakaibigan sa rehiyong ito. Dapat din aniyang pataasin ng ASEAN ang kakayahang kompetitibo sa kabuhayan, at dapat paliitin ang agwat sa pag-unlad ng mga kasaping bansa nito.
Salin: Li Feng