|
||||||||
|
||
Si Ma Mingqiang, ACC Secretary General
Ipinagdiwang kahapon Agosto 8 ang Association of Southeast Asian Nations Day (ASEAN Day). Sa espesyal na araw na ito itinaon ang isang pagtitipon para sa tagumpay ng isang proyekto ng ASEAN-China Center (ACC) sa Beijing. Sa kasalukuyan umabot na sa isang milyon ang mga sumusubaybay sa Weibo account ng ACC at marami sa mga ito ay mga kabataan.
Ayon kay Ma Mingqiang, ACC Secretary General, sa tulong ng Weibo nagkaroon ng isang plataporma ang mga Tsino para makipagkaibigan at makadiskubre ng mga bagong bagay tungkol sa Tsina at mga bansa ng ASEAN.
Sa pamamagitan ng internet, dagdag ni Ma pwedeng makipag-usap ang mga embahador ng ASEAN sa mga online fans para ipakilala ang kani-kanilang mga bansa.
Sinabi rin ni Ma na ang paggamit ng Weibo ay isa lang sa maraming proyekto ng ACC. May 5 pokus ang ACC na kinabibilangan ng kooperasyon, kalakalan,edukasyon, kultura at turismo. At sa ilalim ng 5 pokus, 150 proyekto ang isinasagawa ng kanyang tanggapan.
Sa hinanarap hangad ni Ma na gawin ang lahat ng makakaya upang magtagumpay ang lahat ng mga kooperasyon ng ACC.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga pasugan ng ASEAN, mga Weibo fans ng ACC at mga katuwang ng ACC sa proyekto.
Ulat ni Machelle Ramos
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |