Sa unang yugto ng pagsusuri, pinagtibay kahapon sa Parliamento ng Thailand ang panukalang batas hinggil sa pagbibigay-amnestiya sa kinasuhang mga mamamayan dahil sa pulitika. Ayon sa katugong mga regulasyon ng Thailand, kailangang isagawa ang tatlong yugto para sa pagpapatibay ng batas sa parliamento.
Nitong ilang araw na nakalipas, kinakaharap ng Thailand ang kabi-kabilang protesta dahil sa naturang batas. Ipinalalagay ng oposisyon na ito ay para mapadali at walang hadlang na mapauwi sa bansa si dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra at ma-abswelto sa mga kaso ang dating lider. Isinagawa rin nila ang demonstrasyon.