|
||||||||
|
||
Nakiisa ang Simbahang Katolika sa Arkediyosesis ng Cotabato sa pagtatapos ng Ramadan. Tampok ang mga reunion at pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailanan ang araw na ito. (CBCP PHOTO)
NAKIISA sina Cotabato Archbishop Orlando B. Quevedo, OMI, Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo at mga pari at relihiyoso sa mga kapatid na Moslem sa pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Sa mensaheng inilabas ng Arkediyosesis ng Cotabato, ang mga Moslem ay biniyayaan ng Maawaing Diyos sa bunga ng kanilang pananalangin at pag-aayuno sa pagkakaroon ng kapayapaan sa puso at sa panig ng Panginoon. Binati niya ng Eid Mubarak! ang mga Moslem kasabay ng kanilang pagdiriwang at pagsasama-sama ng malalaking mag-anak at pagpaparating ng kabutihan sa mga nangangailangan.
Minimithi ng karamihan ang kapayapaan sa likod ng pambobomba sa Cotabato City limang araw na ang nakalilipas. Nanawagan ang arsobispo sa lahat na manalangin at magpunyaging maghari ang kapayapaan para sa Sambayanan, dagdag pa ni Arsobispo Quevedo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |