Kahapon, ika-9 ng Agosto, ay ika-68 anibersaryo ng paghulog ng bomba atomika sa Nagasaki, Hapon. Nang araw ring iyon, idinaos ng lokal na pamahalaan ng Nagasaki ang seremonya bilang pagluluksa sa mga nasawi, pagdarasal para sa kapayapaan ng daigdig, at pananawagan sa isang walang-nuklear na daigdig.
Sa isang deklarasyong ipinalabas sa seremonya, sinabi ni Tomihisa Taue, Alkalde ng Nagasaki, na sa pulong ng Treaty on Non-Proliferation of Nuclear Weapons na idinaos nong Abril ng taong ito sa Geneva, tinanggihan ng Hapon ang paglagda sa magkakasanib na pahayag kung saan binibigyang-diin ang pagiging di-makatao ng sandatang nuklear. Ito aniya ay labag sa inaasahan ng daigdig. Pinuna din niya ang pamahalaang Hapones, dahil ang aksyong ito aniya ay nagpapaktia ng paninindigan ng pamahalaan na puwedeng gamitin ang sandatang nuklear kung may pangangailangan.
Salin: Liu Kai