Dahil sa matinding tag-tuyot, pinataas ngayong araw ng probinsyang Hubei sa Gitnang Tsina ang pagtugon sa tag-tuyot sa ika-3 lebel.
Ayon sa Departamentong Meteorolohikal ng Tsina, sa darating na 12 araw, mananatiling mataas ang temperatura na nangangahulugang lalala at lalawak ang kalagayang ito sa lugar. Partikular na, ang darating na 10 araw ay masusing panahon para sa mga palay, pangunahing pagkain-butil sa lokalidad, kaya, magiging mas mahirap at mabigat ang tungkulin ng pagharap sa krisis at pag-ani ng mga pananim.