|
||||||||
|
||
Ayon sa inisyal na resulta ng botohan, sa 123 luklukan sa Parliamento, nakuha ng People's Party ang 68 luklukan, samantalang 55 nman ang nakamit ng National Rescue Party (CNRP), partido oposisyon ng Kambodya.
Tinanggihan ng CNRP ang resultang ito, at ipinatalastas na dapat matamo nito ang 63 luklukan.
Ipinahayag naman ng Lupong Elektoral na kung mayroong partidong hindi tatanggap sa resulta ng eleksyon, maari itong magsumit ng apela sa Lupong Elektoral at Lupon ng Konstitusyon ng Kambodya.
Ayon pa rin sa pinakahuling pahayag ng Lupong Elektoral, ihahayag ang opisyal na resulta mula ika-16 ng buwang ito hanggang ika-9 ng susunod na buwan.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |