Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang aircraft carrier ng India, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2013-08-13 17:31:47       CRI

Sa Kochin, India—pinasinayaan dito kahapon ang "Vikrant", unang aircraft carrier na yari ng India. Ayon sa opinyong lokal, ito ay palatandaang ang India ay maituturing na ika-5 bansa sa daigdig na may kakayahang sarilinang yumari ng aircraft carrier, kasunod ng Estados Unidos, Rusya, Britanya at Pransya.

Sa pasinaya ng "Vikrant", ipinahayag ni A. K. Antony, Ministro ng Tanggulang Bansa ng India, na nagmamalaki siya sa okasyong ito, dahil bukod sa India, iilang maunlad na bansa lamang ang may kakayahang sarilinang magdisenyo at gumawa aircraft carrier. Aniya, patuloy na patataasin ng kanyang bansa ang kakayahan sa paggawa ng sariling sandata para mapangalagaan ang karapatan at kapakanang pandagat.

Ang India ang pinakamalaking bansang tagapag-angkat ng sandata sa daigdig. Tinukoy ng tagapag-analisa na sa kasalukuyan, nagiging mas matindi ang mithiin ng bansang ito sa pagsasakatuparan ng weapons localization. Ito ay hindi lamang makakapagpataas sa kakayahan ng India na sarilinang yumari ng sandata, kundi makakapagpasulong din sa pagtatamo ng bagong progreso ng siyensiya't teknolohiyang sibilyan.

Ang pagpili ng kasalukuyang pamahalaan ng India ng panahon ng pasinaya ng "Vikrant" ay pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na tatlong layunin: una, pagpapataas ng dangal ng mga mamamayan, at paghahanap ng pagkatig ng mga mamamayan sa pamahalaan; ika-2, pagdidispley ng puwersa ng India sa komunidad ng daigdig; at ika-3, pagpapakita ng mithiin ng India sa pagkontrol sa Indian Ocean.

Sa kasalukuyan, hindi pa ganap na tapos ang konstruksyon ng "Vikrant", at mahaharap ito sa maraming napakahirap at masalimuot na gawain sa hinaharap. Nananatiling mahaba ang landas ng pagkakaroon ng barkong ito ng tunay na kakayahan sa pakikibaka.

Ang India ay malaking bansa sa baybaying dagat ng Indian Ocean, at malaking bansang militar din sa rehiyon ng Timog Asya. Pagkaraang magkaroon ang "Vikrant" ng kakayahan sa pakikibaka, magbubunga ito ng napakalaking epekto sa balanseng militar sa Indian Ocean at Timog Asya. Makakapekto rin ito sa estratehikong kayarian ng Indian Ocean, maging ng rehiyon ng Western Pacific.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>