|
||||||||
|
||
NAGSIMULA ngayon limang araw na pagdalaw ng 18 mga mamamahayag na Tsino at tatagal hanggang sa Sabado upang lumahok sa Chinese Media Familiarization Tour na binuo ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas sa ilalim ng Philippines-China Years of Friendly Exchanges.
Inanyayahan sila ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa pamamagitan ng mga tanggapan sa mainland China, Hong Kong Special Administrative Region at Macau SAR. Karamihan ay mula sa print media samantalang ang iba ay mula sa telebisyon.
Kabilang sa mga gagawin sa limang araw na pagdalaw ay ang "Forum on the Evolving Role of Media in Philippine and Chinese Societies," isang briefing sa politika at foreign policy, pagdalaw sa Bahay Tsinoy at panayam sa isang miyembro ng gabinete at pagdalaw sa lalawigan ng Bohol.
Ang paglalakbay na iyo ay naglalayong magkaroon ng pakilala sa mga mamamahayag na Pilipino at Tsino sa kanilang mga papel sa kani-kanilang lipunan, magkaroon ng mutual understanding sa political, economic at social conditions ng mga bansa at magkaroon ng networking sa mga mamamahayag na Pilipino at Tsino.
Ang programang ito ay kapwa itinataguyod ng Pilipinas at Tsina upang higit na magkaroon ng people-to-people exchanges na magpapalakas sa pangunawa at pagtitiwala sa bawat isa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |