|
||||||||
|
||
Natapos kagabi ang Ika-7 Working Talks ng Timog at Hilagang Korea tungkol sa Kaesong Industrial Region (KIR). Narating ng dalawang panig ang komong palagay at nagkasundo sila.
Ipinangako ng dalawang panig na sa hinaharap, hindi muling magaganap ang mga pangyayaring gaya ng pagputol sa komunikasyon at tele-komunikasyon, at pag-urong sa mga manggagawa na nagdulot ng suspensyon ng KIR. Ipinasiya rin nila na buuin ang Magkasanib na Komisyon ng KIR, at sa balangkas nito, talakayin ng dalawang panig ang isyu ng kompensasyon sa mga suspendidong bahay-kalakal. Bukod dito, ipinasiya ng dalawang panig na magkasamang pasulungin ang pagiging internasyonal ng KIR, at isagawa ang mga aktibidad para hikayatin ang mga pamumuhunang pandaigdig.
Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, ipinahayag niya sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita ang mainit na pagtanggap sa pagkakasundo ng Timog at Hilagang Korea hinggil sa pagpapanumbalik ng operasyon ng KIR. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng tuluyang operasyon ng KIR, maitatatag ng dalawang panig ang pagtitiwalaan para mapasulong ang kanilang relasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |