|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng China Outbound Tourism Research Institute (COTRI), isang organo na ang punong himpilan ay nasa Heide, Alemanya, ang ulat na nagsasabing sa darating na isang taon, aabot sa 106 milyong person-time ang bilang ng mga turistang Tsino sa ibayong dagat, at tinayang gagastos sila ng 129 bilyong dolyares.
Ang Alemanya ay isang kaakit-akit na destinasyon para sa mga turistang Tsino. Ayon sa estadistika ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Alemanya, noong taong 2012, 757 libong person-time na Tsino ang naglakbay sa Alemanya.
Kasabay ng pagdami ng mga turistang Tsino, maraming isinasaalang-alang ang mga Aleman para matugunan ang pangangailangan ng mga turistang Tsino. Ayon sa datos, karaniwan nang tumigitil ang mga Tsino mula dalawa hanggang tatlong araw sa bansang ito, at 320 Euro ang karaniwang gastos nila bawat araw.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |