Sa seremonya ng paggunita sa ika-68 Anibersaryo ng Liberation Day, sinabi ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea na ang pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan ay naglagay ng maitim na lambong sa relasyon ng T. Korea at Hapon.
Ayon kay Park Geun-hye, kung hindi mapapakitunguhan nang tumpak ng Hapon ang kasaysayan, hindi nito makukuha ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa sa isa't isa. Umaasa aniya siyang mapapakitunguhan nang tumpak ang mga isyung pangkasaysayan, at maisasagawa ang mga senserong hakbangin.
Salin: Andrea