![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Jurence Mendoza, ang flag bearer ng Philipinas sa Opening Ceremony ng AYG
Sa opening ceremonies na gaganapin mamayang alas-8 ng gabi sa Nanjing Olympic Sports Center, paparada ang 11 kinatawan ng Philippine Delegation na binubuo ng 56 na atleta. Ang tennis champion na si Jurence Mendoza ang magsisilbing flag bearer ng Pilipinas.
Nathaniel "Tac" Padilla, Chef de Mission ng Pilipinas:Target na mag-uwi ng gintong medalya at itaas ang ranking ng Pilipinas sa 2013 Asian Youth Games
Ayon kay Chef de Mision Nathaniel "Tac" Padilla, ipinadala ng Pilipinas ang pinakamagaling nitong mga atleta at mataas ang kanyang ekspektasyon na maganda ang magiging laban nila sa Nanjing.
May mga pambato ang Pilipinas sa tennis, golf, taekwondo, shooting, badminton at maging sa rugby. Kaya kumpyansa sya na mas gaganda ang magiging tayo ng Pilipinas sa rankings kung ihahambing sa unang AYG sa singapore.
Aniya ito ay isang win-win situation dahil kahit hindi makapanalo ng medalya, ang karanasang makukuha sa AYG ay may mai-aambag sa pagpapataas ng kakayanan ng mga bata para maging olympian sa hinaharap.
Namangha rin si CDM Padilla sa paghahanda ng Nanjing para sa AYG at sa nakita nya, handa na ang lungsod para sa nalalapit na Youth Olympic Games sa 2014.
Dapat bigyang pansin ang AYG dahil ayon kay Padilla, na dating world champion sa shooting, ang asya sa ngayon ay isang pwersa sa larangan ng palakasan sa pangunguna ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |