Nagbanggaan kagabi sa karagatan ng Lunsod ng Cebu ang barkong pampasaherong MV Saint Thomas Aquinas 1 at barkong pangkalakal na MV Sulpicio Express 7. Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard, 31 katao ang nasawi sa aksidente, at mga 172 iba pa ang nawawala.
May lulang 870 pasahero at tripolante, tuluyang lumubog ang barkong pampasaheo matapos silang magbanggaan ng barkong pangkalakal. Maliit ang pinsala sa barkong pangkalakal na tumulong naman sa pagsagip sa mga nawawala.
629 na katao ang nailigtas hanggang kaninang umaga. Patuloy pa rin ang gawain ng paghahanap at pagliligtas, pero malaking sagabal dito ang masamang panahon sa dagat.
Salin: Liu Kai