Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalagayang panseguridad ng Ehipto, medyo napahupa

(GMT+08:00) 2013-08-19 11:15:52       CRI
Medyo napahupa kahapon ang kalagayang panseguridad ng Ehipto, pero naganap pa rin ang mga sagupaan sa ilang lugar.

Ayon sa gabinete ng Ehipto, ang mga sagupaang naganap kamakalawa sa iba't ibang lugar ng bansa ay ikinamatay ng 79 na katao, at ikinasugat ng 549 na iba pa. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 866 ang bilang ng mga namatay sa mga sagupaan, sapul noong ika-14 ng buwang ito. Samantala, dinakip ng panig pulisya ang 124 na mahalagang miyembro ng Muslim Brotherhood.

Sinabi naman kahapon ni Abdel Fatah al-Sisi, Ministro ng Tanggulan ng Ehipto, na ipagtatanggol ng panig militar ang kalayaan ng mga mamamayan sa pagpili ng lider ng bansa, pero hindi nila papayagan ang mga aksyong makakapinsala sa seguridad ng bansa.

Ayon naman sa pambansang telebisyon ng Ehipto, alang-alang sa kaligtasan ng mga mamamayan, kinansela ng Muslim Brotherhood ang mga demonstrasyong nakatakdang idaos kahapon sa Cairo, kabisera ng bansa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>