|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ng Democrat Party ng Thailand na tinututulan nito ang pagsusuri ng Pambansang Asamblea sa Amnesty Law, sa pamamagitan ng lahat ng lehitimong paraan.
Binigyang-diin ni Chawanon Intharakomansut, Tagapagsalita ng Democrat Party, na ang pagpapasulong ng Puea Thai Party sa Amnesty Law ay naglalayong tulungan ang ilang may-sala na iwasan ang kaparusahan, sa halip ng pagpawi ng kontradiksyong panlipunan, at pagsasakatuparan ng rekonsilyasyong pulitikal. Aniya, sa kondisyong hindi salungat sa batas at konstitusyon, hahadlangan hangga't makakaya ng kanyang partido ang pagkakabisa ng naturang batas.
Samantala, nagtipun-tipon kahapon sa Bangkok ang ilang libong demonstrador na kontra-gobyerno, bilang pagtutol sa Amnesty Law. Ipinalalagay ng partido oposiyon at mga organisasyong kontra-gobyerno na ang naturang batas ay makakabuti kay Thaksin Shinawatra, pinalayas na dating Punong Ministro ng Thailand. Naglalatag ito ng landas para sa pag-aalis ng krimen niya at pag-uwi sa bansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |