|
||||||||
|
||
Sa Washington D.C., Estados Unidos—Nagtagpo rito kahapon sina Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Chuck Hagel, Kalihim ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika. Tinalakay ng kapuwa panig ang isang serye ng paksa na gaya ng relasyong Sino-Amerikano, relasyon ng dalawang hukbo, mga isyung bilateral, isyung panrehiyon, kaligtasan ng internet, at iba pa. Narating ng dalawang opisyal ang limang komong palagay.
Una, sinang-ayunan ng kapuwa panig na mataimtim na tupdin ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa pagtatagpo sa Annenberg Retreat, at magkasamang magpunyagi para mapalakas ang relasyon ng dalawang hukbo sa bagong lebel.
Ika-2, sinang-ayunan ng magkabilang panig na patuloy na palakasin ang pagdadalawan ng dalawang hukbo, palalimin ang pagsasanggunian at diyalogo ng mga hukbo, at walang humpay na pahigpitin ang pagtitiwalaan.
Ika-3, ipinalalagay ng kapuwa panig na nagsasabalikat ang hukbong Tsino't Amerikano ng pahalaga nang pahalagang responsibilidad sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Sinang-ayunan nilang patingkarin ang konstruktibong papel sa mga suliraning panrehiyon, at pasulungin ang mainam na pagpapalitan ng dalawang hukbo sa Asya-Pasipiko. Bukod dito, palalakasin din ang koordinasyon at kooperasyon sa ilalim ng mekanismo ng diyalogo hinggil sa multilateral na katiwasayan ng Asya-Pasipiko.
Ika-4, palalakasin ng kapuwa panig ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang kinabibilangan ng humanitarian relief at disaster reduction, paglaban sa terorismo, pagbibigay-dagok sa mga pirata, at misyong pamayapa. Tiniyak nilang idaraos ang kauna-unahang live-fire joint exercise sa aspekto ng humanitarian relief at disaster reduction sa Hawaii, sa Nobyembre ng taong ito; at tatalakayin ang isyu ng lohistikong garantiya sa mga misyong may kaugnayan sa di-tradisyonal na katiwasayan, sa loob ng kasalukuyang taon.
At ika-5, ibayo pang palalalimin ng panig Tsino't Amerikano ang kooperasyon sa military archives, at itatatag ang mekanismo ng kooperasyon sa aspektong ito. Bukod dito, batay sa pagtulong ng panig Tsino sa paghahanap ng panig Amerikano ng mga impormasyon hinggil sa mga nawawalang tauhan, palalakasin ang bidirectional na pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kinauukulang military archives at materials.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |