Sinabi kahapon sa Washington D.C. ni Guan Youfei, Puno ng Tanggapan ng Suliraning Panlabas ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa kanyang pananatili sa Estados Unidos, malalimang tinalakay nina Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Susan Rice, Asistente ng Pangulong Amerikano sa mga Suliraning Panseguridad ng Estado, ang hinggil sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan na gaya ng seguridad sa internet at isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Kaugnay ng pagbatikos ng panig Amerikano sa pamahalaang Tsino hinggil sa di-umano ay pagkuha ng Tsina ng mga kompidensyal na dokumento mula sa departamentong komersyal ng Amerika, sa pamamagitan ng internet, sinabi ni Guan, na ipinaliwanag na ng panig Tsino ang posisyon nito, at hindi angkop sa katotohanan ang naturang pagkatikos ng panig Amerikano.
Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, ipinahayag ni Guan, na sa mula't mula pa'y tinututulan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng Hilagang Korea ng sandatang nuklear, at palagian aniyang iginigiit ng Tsina, na dapat lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng talastasan at diyalogo.
Salin: Li Feng