|
||||||||
|
||
Isang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon sa Syria ng grupong tagapagsuri ng United Nations (UN) hinggil sa umano'y ginamit ang sandatang kemikal sa tatlong (3) sagupaan sa Aleppo, Khan al-Assal, at iba ang lugar sa Syria. Kahapon, binatikos ng tropang pampamahalaan at sandatahang oposisyon ng Syria ang isa't isa sa paggamit ng rocket bomb na may Sarin. Lubusang sinusubaybayan ito ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na dapat suriin sa lalong madaling panahon ang insidenteng naganap kahapon. Nababahala aniya niya ang paggamit ng sandatang kemikal sa loob ng Syria.
Ipinahayag naman ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng E.U., na hindi tiyak ang kanyang bansa kung ginamit nga o hindi ng pamahalaang Syrian ang sandatang kemikal. Ngunit, isasagawa ng E.U. ang lahat ng hakbangin para mabigyang-linaw ang insidenteng ito.
Sinabi kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na umaasa ang Rusya na isasagawa ng UN ang obdiyektibong imbestigasyon para mabawasan ang mga ispekulasyon hinggil sa sandatang kemikal.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Ban Ki-moon sa telepono, sinabi ni Pangulong François Hollande ng Pransya na nababahala siya sa kasuwalting maaring idulot ng insidente kahapon. Kinakatigan aniya ng Pransya ang agarang pagsasagawa ng UN ng makatarungang imbestigasyon sa insidenteng ito.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |