Sa kanyang pagdalaw sa Malaysia, ipinahayag kahapon ni Chuck Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, ang kanyang bansa at Malaysia ay magkaibigan sa larangan ng kooperasyong panseguridad. Aniya pa, isasagawa ng mga tropa ng dalawang bansa ang 75 aktibidad ng pagpapalitan at pagdadalawan sa taong ito, para mapasulong ang kanilang kooperasyong militar.
Nang araw ring iyon, kinatagpo si Hagel nina Punong Ministro Najib Tun Razak at Ministro ng Tanggulan Hishammuddin Hussein ng Malaysia. Pagkatapos ng pagtatagpo, ipinahayag ni Hishammuddin na tatalakayin ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ang hinggil sa insidente ng paglusob ng mga terorista sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia, para makita ang mas mabuting plano ng pag-iwas sa pagkaulit ng ganitong pangyayari.
Salin: Liu Kai