Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Rusya kaninang umaga, sa kahilingan ng panig Ruso, nag-usap sa telepono kahapon sina Sergei Lavrov at John Kerry, mga Ministrong Panlabas ng Rusya at Amerika.
Sa kanilang pag-uusap, nanawagan ang panig Ruso sa E.U. na magtimpi, huwag magpataw ng sandatahang presyur sa Damascus, huwag palalain ang kalagayan doon para huwag lumikha ng balakid para sa mga dalubhasa ng UN habang iimbestiga sa di umano'y paggamit ng sandatang kemikal sa Syria.
"Ang pagsasagawa ng sandatahang pakikialam sa Syria ay posibleng magdulot ng napakalaking panganib sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika", dagdag ni Lavrov.