|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakalawa sa Kuala Lumpur ni Mustafa Mohamed, Ministro ng Industriya ng Malaysia, na ipagpapatuloy ng kanyang bansa ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina.
Sinabi niya na may mahalagang katuturan para sa Malaysia at buong ASEAN, ang mabilis na kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina. Dagdag pa ng ministro, hinihintay niya ang mas maraming bahay-kalakal ng Tsina na magbigay-puhunan sa Malaysia; bibigyang-ginhawa naman ng kanyang bansa ang nasabing mga bahay-kalakal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |