Ipinahayag kahapon sa media ni dumadalaw na Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore, na umaasa siyang ibayo pang palalakasin ng kanyang pagdalaw ang pakikipagtulungan sa Tsina, lalo na sa mga larangang gaya ng sustenableng pag-unlad, pangangasiwang panlipunan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi rin niya, na magsisikap ang Singapore para pasulungin ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kabilang nito ang larangang pangkabuhayan, panlipunan, at pang-edukasyon. Dagdag pa niya, positibo ang Singapore sa pagtatatag ng China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA).