Kahapon, sa Palasyo ng Punong Ministro ng Thailand na sa Bangkok, Thailand, idinaos ang unang pulong ng Porum ng Thailand hinggil sa Repormang Pulitikal. Lumahok sa naturang pulong ang 57 kilalang personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Thailand, pero, hindi lumahok sa pulong na ito ang mga kinatawan ng Democratic Party ng Thailand at People's Alliance for Democracy ng Thailand.
Nangulo sa naturang pulong si Yingluck Shinawatra, PM ng Thailand. Sa kanyang talumpati na ipinalabas sa seremoniya ng pagbubukas ng Pulong, sinabi ni Yingluck na nananalig siyang sa pamamagitan ng diyalogo ng mga kalahok at pagpapalitan ng iba't ibang palagay nila, maaaring itakda ang isang framework ng kalutasan sa deadlock na pulitikal ng Thailand sa kasalukuyan, at pag-unlad ng bansa sa hinaharap.
Salin:Sarah