Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Syria, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng Tsina ang ulat tungkol sa paggamit ng mga sandatang kemikal sa Syria.
Sinabi ni Wang, na tinututulan ng Tsina ang sinumang gagamit ng sandatang kemikal. Aniya, positibo ang Tsina sa UN na isagawa ang nagsariling imbestigasyon, batay sa mga may kinalamang resolusyon.
Sinabi ni Wang na ang kalutasang pulitikal ay magsisilbing tanging paraan para sa paglutas sa isyu ng Syria, at positibo ang Tsina sa muling pagdaraos ng pulong sa Geneva hinggil dito. Dapat aniyang maayos na hawakan ng iba't ibang panig ang isyu ng sandatang kemikal, para maisawan ang kalagayang posibleng makaapekto sa pampulitikang paglutas sa isyu ng Syria.