Ipinahayag kahapon ng United Nations na makikipag-ugnayan ito sa Estados Unidos kaugnay ng mga ulat ng pang-eespiya ng National Security Agency (NSA) ng Amerika sa UN.
Winika ito ni Farhan Haq, Asistenteng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations sa isang preskon. Pinag-diinan niyang ayon sa 1961 Vienna Convention, may pribilehiyong hindi milalapastangan ang mga misyong diplomatiko na kinabibilangan ng UN.
Ayon sa ulat kamakalawa ng Der Spiegel, lingguhang magasin ng Alemanya, noong tag-init ng 2012, nag-bug ang NSA sa video conferencing system ng himpilan ng UN sa New York at sinira nito ang encryption.
Salin: Jade