Kinumpirma kahapon ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA), na isa sa 3 Palestino na pinatay ng mga sundalong Israeli sa Kalandia Refugee Camp ay galing sa kanyang organisasyon, at may isa pa ang nasugatan.
Kinondena ito kahapon sa New York ni Farhan Haq, Asistenteng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Ayon sa ulat, sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalong Israeli at Palestino na naganap kahapon ng madaling araw, sa Kalandia, 3 Palestino ang namatay, at 15 iba pa ang nasugatan.