Sa pakikipag-usap kahapon sa kanyang counterpart na si Prince Mohamed Bolkiah ng Brunei, na dumalo sa espesyal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na nitong sampung taon, sapul nang pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, mabunga ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y hindi lamang pinakinabangan ng mga mamamayan nito, kundi nakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya, umaasa siyang babalangkasin sa naturang pulong ang landscape ng kooperasyon ng dalawang panig sa hinaharap. Umaasa rin siyang ibayo pang pasusulungin ang relasyon ng Tsina at Brunei, batay sa kanilang magkakasamang pagsisikap, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Prince Mohamed Bolkiah ang pasasalamat sa pagsisikap ng Tsina para sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at Brunei, at Tsina at ASEAN. Aniya, bilang tagapangulong bansa ng ASEAN, pahihigpitin ng kanyang bansa ang pakikipagkoordinasyon nito sa Tsina sa mga suliraning pandaigdig, at ibayo pang pasusulungin ang pakikipagtulugan ng ASEAN sa Tsina.