"Posibleng ipagpaliban ang ikalawang pandaigdigang pulong tungkol sa isyu ng Syria na nakatakdang idaos sa buwan ng Setyembre, sa Geneva." Ito ang ipinahayag kahapon ni Khawla Mattar, Tagapagsalita ng Sugo ng UN at AL sa isyu ng Syria, bilang tugon sa pahayag kahapon ng Amerika at Rusya na kakanselahin nila ang pag-uusap sa nasabing isyu, na idaraos ngayong araw, sa Hague.
Kinumpirma rin ni Mattar, na ang Amerika ay biglaang nagpatalastas ng pagkansela ng naturang pag-uusap, kung saan, nakatakdang koordinahin nito at Rusya ang paninindigan sa isyu ng Syria.