|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon dito sa Beijing kay Ministrong Panlabas Anifah Aman ng Malaysiya, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kanyang kasiyahan sa masiglang bilateral na relasyon na nahaharap sa bagong pagkakataon ng pag-unlad. Umasa aniya ang Tsina na mapapahigpit ang pagtutulungan nila ng Malaysiya para mapasulong ang pangmatagalang malusog at matatag na pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Ministro Anifah ang pananabik na matatamo ang mas malaking tagumpay ng relasyong Sino-Malay.
Sang-ayon ang dalawang ministro na sa pagtatakda ng bagong target para sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina't Malaysiya para sa susunod na limang taon, sa pagpapasulong ng konstruksyon ng Qinzhou Industrial Park sa Tsina and Kuantan Industrial Park sa Malaysiya, at sa pagpapahigpit ng kanilang kooperasyon sa daambakal, kalawakan at hay-tek.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |