Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag kamakailan ni Liu Sanzheng, Cultural Counsellor ng Embahadang Tsino sa Biyetnam, na bilang isang bahagi ng pagpapalitang kultural ng Tsina at ASEAN, patuloy ang pagdalas at paglalim ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Biyetnam.
Sinabi ni Liu, na hanggang sa kasalukuyan, naitaguyod na ng Tsina at Biyetnam ang isang serye ng aktibidad na pangkultura. Halimbawa, sa pamamagitan ng Chinese Bridge-Chinese Proficiency Competition, hindi lamang aniya naipakita ng mga kalahok ang kanilang pag-unawa sa kulturang Tsino, kundi pinasulong din ng nasabing kometisyon ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nang mabanggit ang pagpapalitang pang-edukasyon ng Tsina at Biyetnam, sinabi ni Liu na pinatingkad nito ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagkakabigan ng dalawang panig, partikular na, pagkakaibigan nga mga batang henerasyon.