Ayon sa ulat kamakailan ng Sekretaryat ng China ASEAN Expo (CAEXPO), sa gaganaping ika-10 ekspong ito at ika-10 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), iisa lamang seremonya ng pagbubukas ang idaraos para sa dalawang aktibidad na ito, at walang idaraos na seremonya ng pagpipinid. Anang Sekretaryat, ang pagsasaayos na ito ay para mas magpokus ang kasalukuyang ekspo sa mga aktibidad ng promosyon at eksibisyon mismo, at maging mas epektibo ang ekspo.
Mula bukas hanggang ika-6 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, Tsina, ang ika-10 CAEXPO at CABIS.
Salin: Liu Kai