Ipinahayag kahapon ni Huang Yuan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China ASEAN Expo (CAEXPO), na ang gaganaping ika-10 ekspong ito ay nakahikayat ng higit na maraming bahay-kalakal na Tsino at dayuhan.
Sinabi ni Huang na ayon sa pinakahuling estadistika, umabot sa 5554 ang bilang ng mga naitalang exhibition booth ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan sa ika-10 CAEXPO, at ang bilang na ito ay mas malaki nang 20.7% kaysa nakatakdang bilang. Bukod dito, halos 120 grupo ng professional buyer at mangangalakal ang lalahok sa ekspong ito, at ito ay mas malaki nang 1.6 na ulit kumpara sa nagdaang ekspo. Mas malaki rin ang bilang ng mga trade visitor sa kasalukuyang ekspo na galing sa Estados Unidos, Kanada, Alemanya, Pransya, Hapon, Timog Korea, Indya, Australya, Timog Amerika, Gitnang Silangan, at iba pang bansa at rehiyon.
Salin: Liu Kai