Idinaos kamakailan sa Nanning, Tsina, ang ika-6 na estratehikong diyalogo ng mga think tank ng Tsina at ASEAN. Tinalakay ng mga kinatawan ng mga think tank ng Tsina, Pilipinas, Singapore, Biyetnam, at iba pang bansa ang hinggil sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagpapalawak ng komong palagay ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa diyalogong ito, tinalakay din, sa kauna-unahang pagkakataon, ang hinggil sa pagtatatag ng China-ASEAN Bank. Nagharap ng mungkahi ang isang kinatawang Tsino hinggil sa pagtatatag ng naturang bangko sa ilalim ng pagtataguyod ng pamahalaang Tsino. Aniya, mapapatingkad ng bangkong ito ang mahalagang papel para sa ibayo pang pagpapaunlad ng China ASEAN Free Trade Area, at pagharap ng mga bansa sa pandaigdig na pinansyal na krisis.
Salin: Liu Kai