|
||||||||
|
||
Yan Changhui
Kahit makulimlim ang panahon, kapansin-pansin pa rin ang kulay luntian at maligayang kapaligiran ng lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina. Saan mang dako ng lunsod ay makikita ang mga banderitas, malalaking billboard, at poster na nagpapaghayag ng pagsalubong sa Ika-10 CAExpo. Sa daan mula sa paliparan, makikita rin ang mga bandila ng sampung (10) bansang ASEAN at Tsina, na nakalagay sa mga poste sa gitna ng kalsada .
Sa panayam ng Serbisyo Filipino kay Yan Changhui, Project Manager ng Publicity and Information Division ng China-ASEAN Exposition (CAEXpo), inilahad niya ang ibat-ibang paghahanda ng CAExpo Secretariat para sa Ika-10 CAExpo: kasama na ang mga serbisyo at pasilidad para sa mga dayuhang media na magsasahimpapawid ng mga kaganapan sa pagbubukas ng Ika-10 CAExpo, bukas.
Ayon naman sa ibang mga kasamahan sa media, na ayaw magpabanggit ng pangalan, napakaganda ng preparasyon para sa CAExpo ngayon taon. Halos sa lahat ng sulok ng Nanning ay makikita ang mga alagad ng batas na nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan. Kapansin-pansin din ang mga hakbang na ginawa ng lokal na pamahalaan ng Nanning upang hindi bumigat ang daloy ng trapiko. Dagdag pa riyan, mas pinaigting ang seguridad sa loob at labas ng ceremonial hall kung saan idaraos ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-10 CAExpo.
Ang CAExpo ay isang plataporma upang palakasin ang pagkakaibigan, pagkakaunawaan, at pagpapalitang pang-ekonomiya at pangkultura sa pagitan ng Tsina at 10 bansang ASEAN.
Sa taong ito, ang Pilipinas ang "Country of Honor," samantalang ang Ilagan city, Isabela ang "City of Charm."
Mula sa lunsod ng Nanning, at sa ngalan ni Lakay Rhio, ito po si Ernest, ng-uulat para sa Serbisyo Filipino ng China Radio International.
caexpo20130902
|
Reporter: Rhio at Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |