Ayon sa balita ng World Trade Organization (WTO), sinimulan na kahapon ang panunungkulan ni Roberto Carvalho de Azevêdo, ika-6 na Pangkalahatang Direktor ng WTO at tatagal nang 4 na taon ang kanyang termino.
Ang 55 taong gulang na si Roberto Carvalho de Azevêdo ay isang diplomata mula sa Brazil, at siya ang unang Pangkalahatang Direktor ng WTO mula sa Latin Amerika.
Ayon sa WTO, magbibigay si Azevêdo ng kanyang inaugural speech sa ika-9 ng buwang ito at mula ika-5 hanggang ika-7, gagawin niya ang kuna-unahang debu sa G20 Summit na idaraos sa Saint Petersburg, Rusya.