Sa isang pahayag na inilabas kahapon ng UN Assistance Mission for Iraq, kinondena nito ang marahas na insidente na naganap sa Camp Ashraf sa silangan ng Iraq. Hinimok din nito ang pamahalaang Iraqi na isagawa ang katugong mga hakbang para maigarantiya ang kaligtasan ng mga tao doon.
Ipinahayag din kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang kalungkutan hinggil dito. Hinimok niya ang Iraq na imbestigahan kaagad ang dahilan ng insidente at isapubliko ang resulta ng imbestigasyon.
Ayon sa ulat, nagsagawa kahapon ng aksyong militar ang hukbong panseguridad ng Iraq bilang tugon sa Camp Ashraf, kung saan naninirahan ang mga miyembro ng People's Mujahideen Organization of Iran (PMOI), na ikinamatay ng 19 katao, at ikinasugat ng 30 iba pa. Pero, ayon sa PMOI, di-kukulangin sa 52 katao ang nasawi. Sa kasalukuyan, wala pang anumang reaksyon mula sa pamahalaan ng Iraq hinggil dito.