Isinalaysay dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Kim Kye-Gwan, Unang Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea, dumalaw sa Hilagang Korea si Wu Dawei, Espesyal na Kinatawan ng Pamahalaang Tsino sa mga Suliranin ng Korean Peninsula, mula ika-26 hanggang ika-30 ng nagdaang Agosto. Nagpalitan ang panig Tsino't Hilagang Koreano ng kuru-kuro hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula at isyu ng pagpapanumbalik ng 6-Party Talks.
Salin: Vera