|
||||||||
|
||
Bangkete
Nanning, Guangxi -- Isang simple, ngunit masaganang bangketeng panalubong ang idinaos dito kagabi ng mga opisyal ng Organizing Committee ng China-ASEAN Exposition (CAExpo) at China-ASEAN Business Investment Summit (CABIS) bilang panalubong sa mga mamamahayag mula sa Tsina, mga bansang ASEAN, at iba pang bahagi ng daigdig.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Lu Zhoumin, Pangalawang Puno ng Departamento ng Publisidad ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Guangxi, at Puno ng Publicity News Department ng CAExpo at CABIS, ang taos-pusong pagtanggap sa mga mamamahayag.
Aniya, ang taong ito ang ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Estratehikong Relasyon ng Tsina at ASEAN: kasabay ng pagdaraos ng Ika-10 CAExpo, ang pagkakataong ito ay isang mahalagang pangyayaring tatatak sa isipan ng bawat isa.
Dagdag pa niya, mula nang maitatag ang CAExpo, ito ay naging isang importanteng plataporma para sa diyalogo, pagpapalitan, at kooperasyon sa pagitan ng ASEAN at Tsina.
Keyk na panalubong
Bukod pa riyan, sinabi niyang ang mga bundok ng Guangxi ay kulay luntian, ang tubig nito ay malinis, at ang kultura rito ay kahanga-hanga.
Aniya pa, sana ay magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga mamamahayag na mamasyal dito, upang mas makilala nila ang Guangxi, maipahayag ang Guangxi, at masuportahan ang Guangxi.
Mula sa lunsod ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, at sa ngalan ni Ernest, ito po si Lakay Rhio nag-uulat, para sa Serbisyo Filipino ng China Radio International.
caexpo201309022
|
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |